Nang kapanayamin kamakalawa ng mamamahayag, ipinahayag ni Banthoon Lamsam, Board Chairman ng Kasikorn Bank ng Thailand, na sa kasalukuyan, lumitaw na ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang Thai, at sinimulang muli ang paglago nito. Nananalig aniya siyang mananatili sa 1.5% hanggang 2% ang paglaki ng kabuhayang Thai sa kasalukuyang taon. Dagdag niya, ang pinakapangunahing tungkulin ng bagong pamahalaan ay pagbibigay-tulong sa sektor na may mababang kita, pagpapaalis ng hadlang para sa pag-unlad ng mga bahay-kalakal, at pagsasakatuparan ng target ng reporma at pambansang halalan.
Ipinalalagay ni Lamsam na dapat tulungan muna ng patakaran ng pamahalaan ang mga mamamayang may mababang kita na naapektuhan nang grabe ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayan. Dapat ding likhain ang mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay, sa halip ng walang pasubaling pagbibigay ng pondong panaklolo, para tulungan silang pabutihin ang pamumuhay sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.
Salin: Vera