Binuksan ngayong araw sa Macao, Tsina, ang ika-8 pulong ng mga ministro ng turismo ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pulong si Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina. Tinukoy niyang nitong mga taong nakalipas, nagsasagawa ng malawakang kooperasyon ang iba't ibang kasapi ng APEC sa mga aspekto ng pagpapasimple ng prosidyur ng pagkuha ng bisa, pagsasagawa ng promosyon ng pamilihan, at pagpapabuti ng serbisyo sa mga turista. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kasalukuyang pulong, ibayo pang mapapataas ang lebel ng kooperasyong panturismo ng rehiyong ito.