Muling nagbabala ang Embahada ng Tsina sa Pilipinas na dapat isagawa ng mga mamamayang Tsino na nasa bansa ang hakbang para pangalagaan ang kanilang buhay at ari-arian.
Nauna rito, isang insidente ng pamamaril ang naganap kamakalawa sa Meycauayan, Bulacan. Isang Tsino ang nasugatan at kasalukuyang nasa maselang kalagayan.
Pagkaraang maganap ang naturang pangyayari, nagsadya sa ospital ang staff ng Embahadang Tsino para kumustahin ang nasabing sugatan. Samantala, sa isang representasyong iniharap ng panig Tsino, hiniling nito sa panig Pilipino na agarang arestuhin ang may kagagawan at isagawa ang mabibisang hakbang para pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Pilipinas.