Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Luis" nanalasa sa Luzon

(GMT+08:00) 2014-09-15 18:48:07       CRI

NAGKAROON ng 36 na evacuation centers sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at National Capital Region na pansamantalang kinalagyan ng may 7,800 katao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagkaroon ng apat na flash floods sa San Miguel, Bulacan, sa Paluan at Calintaan, Occidental Mindoro at Cullion sa Palawan.

BATANG LALAKI, PASAYAW-SAYAW PA.  Isang batang lalaki ang walang kabang sumasayaw sa Barangay dela Pena sa Marikina City kanina matapos kanselahin ng pamahalaan ang klase.  Marami ring tahanan ang binaha dala ng bagyong "Luis."  (Larawan ni Oliver Marquez/PNA)

Tumaas naman ang tubig sa isang spillway sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro at isang pagguho ng lupa sa Cullion, Palawan. Isang tahanan ang nagiba sa San Clemente, Tarlac.

MGA TAHANAN SA MARIKINA, NANGANIB KANINA.  Sa pagtaas ng tubig sa Marikina River, halos narating nito ang "critical condition" na mangangailangan ng paglilikas.  Tumaas ang tubig sa ilog dala ng bagyong "Luis" na nagpaulan mula kagabi.  (Larawan ni Oliver Marquez/PNA)

Naitala rin ng NDRRMC ang pagkasawi ng tatlo katao sa sakuna sa karagatan, tatlo katao ang nasugatan samantalang may 128 katao ang nailigras sa Region VIII at National Capital Region. May 43 mga biyahe ng eroplano ang nakansela sa sama ng panahon. Umabot naman sa 11 lansagan at tatlong tulay ang di madaanan dahilan sa pagguho ng lupa at flashfloods. Nawalan din ng kuryente sa ilang bahagi ng Ilocos Norte, La Union, Cagayan at Isabela, Bataan at Tarlac, Batangas, Apayao at Kalinga at ilang bahagi ng Metro Manila.

Ngayong Lunes, kanselado ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at ilang mga kalapit lalawigan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>