Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PNoy at Pangulo ng EU, nag-usap

(GMT+08:00) 2014-09-16 16:36:00       CRI
Bumisita kahapon si Pangulong Benigno Aquino III sa Punong Himpilan ng Unyong Europeo (EU) sa Brussels, Belgium. Nakipag-usap siya kay Pangulong Jose Manuel Barroso ng European Commission hinggil sa mga suliraning bilateral, panrehiyon, at pandaigdig.

Pagkatapos ng pag-uusap, isiniwalat sa media ni Barroso na ipinahayag niya kay Aquino ang pag-asang isasagawa ng iba't ibang may kinalamang panig ang diyalogo at kooperasyon, at susundin ang mga pandaigdig na batas, lalung-lalu na, ang United Nations Convention on the Law of the Sea, para mapayapang malutas ang isyung pandagat. Tinukoy din niya ang ilang prinsipyo sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia na gaya ng mapayapang paglutas sa mga hidwaan, hindi paggamit ng dahas, at pagsasagawa ng mabisang kooperasyon na makakatulong sa paglutas sa nabanggit na isyu.

Binigyan din ni Barroso ng positibong pagtasa ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng EU at Pilipinas. Aniya, sa kasalukuyan, ang EU ang ikatlong pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, at pinakamalaking mamumuhunan sa bansa. Aniya pa, lumikha ang EU ng 400 libong trabaho sa Pilipinas.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>