Ayon sa kapulisang Thai, dalawang turistang Britaniko, isang lalaki at batang babae na may edad humigit-kumulang 20 taong gulang ang natuklasang patay kahapon sa baybaying dagat sa Koh Tao, kilalang lugar na panturista sa katimugan ng Thailand. Kasalukuyang iniimbestigahan ng kapulisan ang dahilan sa nasabing pangyayari.
Kagunay nito, agarang hiniling ng awtoridad na panturismo ng Thailand sa kapulisan na lutasin ang nasabing kaso sa madaling panahon. Ito ay para paliitin ang mga elementong makakaapekto sa industriyang panturismo ng bansa.