Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sri Lanka, nakahandang isakatuparan ang Maritime Silk Road

(GMT+08:00) 2014-09-16 16:02:28       CRI
Ipinahayag kahapon ni G.L.Peris, Ministrong Panlabas ng Sri Lanka na tunay na sang-ayon ang kanyang bansa sa pagtatatag ng Maritime Silk Road sa Ika-21 siglo na iniharap ng Tsina. Nakahanda aniya ang Sri Lanka na magsikap, kasama ng Tsina, para maisakatuparan ang hangaring ito.

Nang kapanayamin siya ng mga media na Tsino, sinabi ni Peris na ang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Sri Lanka ay ibayo pang magpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa at magpapalawak ng pamumuhunan at kalakalan sa isa't isa.

Umaasa aniya siyang mararating ng dalawang panig ang pagkakaisa hinggil sa kasunduan ng malayang kalakalan. Aniya, ang kasunduan ay magiging mahalagang progreso na makakabuti sa pagpasok ng mga produkto ng Sri Lanka sa pamilihan ng Tsina dahil sa "preperensyal na pasubali."

salin:wle

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>