Idinaos kahapon ng transisyonal na pamahalaan ng Thailand ang pulong ng gabinete kung saan nagpasiyang palugitan pa ng tatlong buwan ang umiiral na state of emergency sa tatlong lalawigan sa katimugan ng bansa. Ayon sa nasabing kapasyahan, ang taning ng nasabing state of emergency ay mula ika-20 ng buwang ito hanggang ika-19 ng Disyembre.
Ayon sa pangalawang tagapagsalita ng transisyonal na pamahalaan, ipinasiya sa pulong ng gabinete na patuloy na pananatilihin ang State of Emergency Law sa mga Lalawigang Narathiwat, Yala at Pattani sa katimugan ng bansa. Ayon pa sa kanya, ito ay nakakabuti para sa karamihan ng mga mamamayan, organo ng bansa at mga pribadong kompanya.
Salin: Vera