Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Chief Justice ng Tsina at Singapore, nagtagpo

(GMT+08:00) 2014-09-17 11:43:25       CRI

Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Nakipagtagpo dito kahapon si Zhou Qiang, Chief Justice at Puno ng Kataas-taasang Hukumang Bayan ng Tsina, kay Sundaresh Menon, dumadalaw na Chief Justice ng Kataas-taasang Hukuman ng Singapore.

Sinabi ni Zhou na nitong nakalipas na 24 na taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, lumitaw ang mainam na tunguhin sa pag-unlad ng relasyon ng mga Departamentong Hudisyal ng dalawang bansa, at madalas din aniya ang pagpapalagayan sa mataas na antas. Nananalig aniya siyang tiyak na palalakasin ng kasalukuyang pagdalaw ni Menon ang pagpapalitan at pagtutulungan ng sirkulo ng katarungan ng kapuwa panig.

Iniharap naman ni Menon ang mga konstruktibong mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng pagpapalitan ng dalawang bansa sa gawain ng paglilitis sa mga kasong komersyal.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>