Ipinahayag kahapon ni Haider al-Abad, Punong Ministro ng Iraq ang pagtanggi sa pagpapadala ng ibang bansa ng mga tropang panlupa sa bansa para sa pakikibaka laban sa sandatahang lakas ng Islamic State (IS).
Winika ito ni Abad bilang tugon sa pagpapahayag kamakailan ni Martin Dempsey, Tagapangulo ng Joint Chief of Staff ng Amerika hinggil sa posibleng pagpapadala ng tropang panlupa sa Iraq.
Samantala, muling ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na hindi itong magpapadala ng tropa sa digmaang panlupa laban sa IS.