Ayon sa ulat kahapon ng Korean Central News Agency, ipinahayag nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng delegasyon ng Hilagang Korea sa Mataas na Talastasan ng Timog at Hilagang Korea, ang paghimok sa pamahalaang Timog Koreano na itigil ang pamimigay ng anti NoKor leaflet ng mga organisasyong di-pampamahalaan nito. Aniya pa, ang pagtitigil ng Timog Korea ng nasabing aksyon ay makakatulong sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ng nasabing tagapagsalita na sa loob ng buwang ito, dalawang beses nang nagpadala ang Hilagang Korea ng patalastas sa palasyong pampanguluhan ng Timog Korea, at hiniling nito na itigil ang anti-NoKor "Balloon Fight" at magsikap para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa. Ngunit, pinabulaanan ng awtoridad ng Timog Korea ang pagkakaloob ng pagkatig sa mga organisasyong di-pampamahalaan, sa pamimigay nila ng mga anti-NoKor leaflet.
Salin: Li Feng