Dumating ng Bandar Abbas Port, Iran kahapon ang ika-17 escort fleet ng Chinese Navy sa Gulf of Aden para pasimulan ang limang araw na pagdalaw na pangkabigan sa bansang ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pagbisita ng hukbong pandagat ng Tsina sa Iran.
Sinabi ng isang opisyal ng Tsina na ang naturang pagbisita ay naglalayong pasulungin ang kapayapaan at pagkakaibigan, at palalimin ang paguunawaan ng dalawang panig. Ito rin aniya ay para palakasin ang pagpapalitan ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa. Aniya pa, tiyak na pasusulungin ng biyaheng ito ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng