Ipininid kahapon ang dalawang araw na Pulong ng mga Ministro ng Pinansya at Puno ng Bangko Sentral ng G20. Ayon sa proklamasyong ipinalabas sa pulong, posibleng maisakatuparan ang itinakdang target ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ni Joe Hockey, Presidente ng naturang pulong at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Australia, na isinagawa ng International Monetary Fund (IMF) at Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ang pag-analisa sa mahigit 900 hakbanging ekonomiko ng iba't-ibang bansa, at 700 sa mga ito aniya ay mga bagong hakbangin.
Salin: Li Feng