![]( /mmsource/images/2014/09/23/bfc8029199e6482bb39cfcdf0433f31f.jpg)
Nailista nitong nagdaang Biyernes sa New York Stock Exchange (NYSE) ang Alibaba, e-commerce giant ng Tsina.
Sa Initial Public Offering (IPO), 25 bilyong dolyares ang nangilak nito. Samantala, tatanggap ng 300 milyong dolyares na commission o 1.2% ng nangilak na pondo ang mga underwriter na kinabibilangan ng Credit Suisse, Deutsche Bank, Goldman Sachs, JP Morgan, Morgan Stanley at Citigroup.
Kumpara sa halagang 68 dolyares isang sosyo o per share na itinakda isang araw bago ang IPO, tumaas ng 38% ang presyo at umabot sa 93.89 dolyares sa pagtatapos ng trading noong nagdaang Biyernes.
Salin: Jade