Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa New York kay Sam Kahamba Kutesa, Tagapangulo ng ika-69 Pangkalahatang Asemblea ng UN, ipinahayag ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina ang tatlong mungkahi sa tungkulin ng UN sa hinaharap. Una, pangangalaga ng UN sa mga norma ng relasyong pandaigdig, prinsipyo ng Karta ng UN, at kaayusang pandaigdig pagkaraan ng WWII at pagtutol sa digmaan; Ikalawa, pagbalangkas ng After 2015 Development Agenda na magkakaroon ng prinsipyong pantay-pantay, inklusibo at sustenable para maisakatuparan ang magkakasamang pag-unlad ng daigdig, at pagbibigay-ginhawa sa mga bansang Aprikano; Ikatlo, paggiit sa prinsipyong komon ngunit kumikilala sa pagkakaiba ng mga tungkulin sa isyung pagbabago ng klima, at totohanang pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa sa usaping ito.
Sinabi rin ni Zhang na bilang pirmihang kinatawan ng UN, kakatigan ng Tsina, tulad ng dati, ang tungkulin ng Tagapangulo ng UN General Assembly.
Ipinahayag naman ni Sam Kahamba Kutesa ang pasasalamat sa walang tigil na pagsuporta ng Tsina sa UN. Positibo rin aniya siya sa nasabing posisyon ng Tsina.