|
||||||||
|
||
Si Gerry Rice
Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Gerry Rice ng International Monetary Fund (IMF), na ang pagbabawas ng Tsina ng paglaki ng kabuhayan ay isang kinakailangang pagsasaayos, at mahalagang hakbang ng Tsina ng sustenableng pag-unlad.
Ayon kay Rice, ipinalalagay ng IMF na ang 6.5% hanggang 7% ay katanggap-tanggap na target para sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa susunod na taon, at sa mahabang panahon sa hinaharap. Dagdag pa niya, bagama't bumabagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino, mabilis pa rin ito kung ihahambing sa mga ibang bansa ng daigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |