Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nagkakaisang posisyon sa pagsuplay ng natural gas, narating ng EU, Rusya at Ukraine

(GMT+08:00) 2014-09-27 14:29:28       CRI

Narating kahapon sa Berlin, kabisera ng Alemanya, ng Unyong Europeo (EU), Rusya, at Ukraine ang inisiyal na nagkakaisang posisyon hinggil sa isyu ng pagsuplay ng natural gas ng Rusya sa EU at Ukraine.

Sinabi ni Guenther Oettinger, Komisyoner ng EU na namamahala sa isyu ng enerhiya, na sumang-ayon ang tatlong panig sa paglagda ng isang pansamantalang kasunduan para maigarantiya ang pagsuplay ng Rusya ng natural gas sa darating na taglamig.

Ayon sa nasabing kasunduan, bago ang katapusan ng susunod na Oktubre, dapat bayaran ng Ukraine ang Rusya ng natitirang 2 bilyong dolyares na utang sa natural gas, pagkatapos nito, ihahatid ng Rusya ang 5 bilyong metro kubikong natural gas sa Ukraine. Bukod dito, dapat ibigay din ng Ukraine ang 1.1 bilyong dolyares na natitirang kabayaran sa Rusya bago ang katapusan ng taong ito.

Sinabi pa ni Oettinger na magtatagpo ang tatlong panig sa susunod na linggo para talakayin ang mga detalye ng kasunduan at lagdaan ito.

Sinabi ni Alexander Novak, Ministro ng Enerhiya ng Rusya, na ang naturang pansamantalang kasunduan ay tatagal ng anim na buwan.

Sinabi naman ni Yuri Prodan, Ministro ng Enerhiya at Karbon ng Ukraine, na sumang-ayon ang kanyang bansa sa pagbibigay ng natitirang kabayaran sa Rusya, pero dapat ipangako ng Rusya ang pagsuplay ng sapat na natural gas sa kanyang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>