Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tokyo Consensus, ipinalabas ng Ika-10 Beijing-Tokyo Forum

(GMT+08:00) 2014-09-30 11:47:14       CRI

Ipininid kahapon sa Tokyo ang Ika-10 Beijing-Tokyo Forum.

Ipinalabas nito ang Tokyo Consensus na nagtatampok sa tatlong punto.

Una, bilang magkakapitbansa, maraming komong interes at pandaigdig na responsibilidad ang Tsina at Hapon. Sa kasalukuyan, nararanasan ang pinakamaigting na situwasyon sa relasyon ng dalawang bansa sapul nang manormalisa ang bilateral na ugnayan. Kaya, kailangang magkasamang magpunyagi Tsina at Hapon para makalikha ng magandang kondisyon sa pagpapanumbalik at pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.

Ikalawa, ang tumpak na paglutas sa isyu ng pakikitungo ng Hapon sa mapanalakay na kasaysayan nito at sa alitan sa mga teritoryo ay nagsisilbing pinakamahalagang elemento sa pagpapaganda ng relasyon ng Tsina at Hapon. Umaasa ang Forum na makapagtatamo ng bunga ang Talastasan sa Mataas na Antas hinggil sa Isyung Pandagat na muling binuskan ng dalawang bansa kamakailan.

Ikatlo, ayon sa natamong karanasan ng Forum na ito, ang diyalogo ay nagsisilbing siyang tanging paraan para malutas ang nasabing mga isyu.

Ang kapipinid na Forum na may temang "Pagtatatag ng Kapayapaan sa Hilagang-silangang Asya at Responsibilidad ng Tsina at Hapon—Pagtagumpayan ang Kahirapan sa pamamagitan ng Diyalogo" ay nilahukan ng mahigit 500 kinatawang Tsino at Hapones mula sa iba't ibang sektor.

Mayroon din itong apat na sub-forum na may kinalaman sa pulitika, kabuhayan, diplomasya at kaligtasan, at media.

Ang taunang porum na itinatag noong 2005 ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Daily, pinakamalaking pahayagang Ingles ng Tsina at Genron NPO, isang think tank ng Hapon.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>