Sa kanyang pakikipagtagpo kay Narendra Modi, dumadalaw na Punong Ministro ng Indya, ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na ang pag-ahon ng Indya ay naaangkop sa interes ng Amerika.
Sa isang magkasanib na pahayag, ipinangko ng nasabing dalawang lider na simulan ang isang proposal ng pamumuhunan ng Amerika at Indya na nagtatampok sa pagpapaunlad ng capital market at financing sa pagtatatag ng imprastruktura, nang sa gayo'y, mapasulong ang organisasyon at kompanya na dagdagan ang pamumuhunan. Samanatala, sumang-ayon ang magkabilang panig na isagawa ang hakbangin para mapalaki nang 5 ulit ang bolyum ng kalakalan ng dalawang panig mula sa kasalukuyang 100 bilyong dolyares.
Bukod dito, ipinahayag ni Obama sa mass media na tinalakay nila ni Modi ang mga isyu ng Afghanistan at hamong kinakaharap ng Gitnang Silangan na kinabibilangan ng marahas na ekstramismo at pagbibigay-dagok sa Islamic State (IS). Ayon pa kay Modi, sumang-ayon pa ang dalawang bansa na palakasin ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa terorismo, impormasyon at pagharap sa pagbabago ng klima, patuloy na pagpapahigpit sa diyalogong panseguridad at relasyong pandepensa.