Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

E.U., kinumpirma ang unang kaso ng Ebola

(GMT+08:00) 2014-10-01 17:31:11       CRI

Ipinatalastas kahapon ng Estados Unidos na kumpirmado sa loob ng katutubong teritoryo nito ang unang kaso ng maysakit na Ebola. Ito rin ang unang kaso maliban sa Aprika. Sa kasalukuyan, isolateng ginagamot ang maysakit sa isang ospital sa Texas ng E.U..

Sa preskon kahapon, sinabi ni Tomas Frieden, Direktor ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na galing sa Liberia ang nasabing maysakit. Mayroon siyang ilang kamag-anakan sa E.U.. Dumating siya sa E.U. para bisitahin ang mga kamag-anakan. Aniya, ilalabas ang mas maraming detalye sa susunod na ilang araw.

Ayon pa kay Frieden, nakasalamuha nito ang ilang mga tao pagkatapos magkaroon ng sintomas ng Ebola. Kaya puwede silang mahawa. Pero, aniya, ang mga taong kasakay sa eroplano ng nasabing maysakit ay walang ganitong panganib dahil wala pa silang sintomas noon.

Ayon sa datos ng World Health Organization, hanggang ika-21 ng Setyembre, sa Guinea, Liberia, Sierra Leone, Nigeria, at Senegal, natuklasan ang 6263 kaso ng maysakit, pinaghihinalaan, at posibleng nahawa ng Ebola. Sa kabuuan, 2917 sa kanila ang namatay.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>