Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

General Purisima umaming may masasamang elemento sa PNP

(GMT+08:00) 2014-10-01 22:14:43       CRI

SA kanyang pagharap sa Senate Committee on Peace and Order sa ilalim ni Senador Grace Poe, sinabi ni Police Director General Alan Purisima na may korupsyong nagaganap sa kanyang tanggapan. Nangako siyang magpapatupad ng mga reporma kahit pa may mga masasaktan.

Nahihiya siyang naging isang luklukan ng katiwalian ang dating Firearms and Explosives Office sa napakatagal na panahon.

May mga sindikato sa loob ng PNP na nagpayaman ng kanilang mga sarili sa paglalabas ng mga palsipikadong lisensya ng mga baril at identification cards sa mga security gaurds at mga palsipikadong "permits to carry firearms outside of residence."

Sinabi ni General Purisima na ang mga apektadong sektor na ito ang nasa likod na paninira sa kanya. Masusugpo na ang kalakaran ng mga sindikatong ito sa loob ng kanyang liderato.

Natalakay din sa pagdinig ang mga insidente ng kidnapping na kinasangkutan ng mga pulis kamakailan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>