Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina at Pangulo ng Amerika, nagtagpo

(GMT+08:00) 2014-10-02 13:12:23       CRI

Nagtagpo kahapon sa White House sina Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.

Ipinahayag ni Obama ang mataas na pagtasa sa konstruktibong papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Ipinahayag din niya ang kanyang pananabik sa nalalapit na pagbisita sa Tsina sa darating na Nobyembre para mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at magkasamang tugunan ang mga isyung pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, epidemiya ng Ebola at terorismo.

Ipinahayag naman ni Wang ang pagsang-ayon ng Tsina sa mungkahi ng panig Amerikano na pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa para mapaliit ang agwat.

Sa paanyaya ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, nagsagawa si Wang ng pagdalaw sa Amerika mula ika-30 ng Setyembre hanggang ika-2 ng Oktubre.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>