Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo ng People's Daily, inulit ang pananangan sa "isang bansa dalawang sistema" hinggil sa isyu ng Hong Kong

(GMT+08:00) 2014-10-02 16:01:22       CRI

Bilang tugon sa protestang Occupy Central sa Hong Kong, isang komentaryo ang ipinalabas ng People's Daily, diyaryong may pinakamalawak na sirkulasyon sa Tsina.

Inulit ng Komentaryo na hindi magbabago ang "isang bansa dalawang sistema" at Saligang Batas ng Hong Kong para mapasulong ang repormang demokratiko at pangmatagalang kasaganaan ng Hong Kong.

Anito, ang nasabing paninindigan ay inulit din ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyong industriyal at komersyal ng Hong Kong sa Beijing noong ika-22 ng Setyembre.

Ipinagdiinan din ng Komentaryo na ang desisyon hinggil sa paghalal sa punong ehekutibo ng Hong Kong na pinagtibay ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, nitong nagdaang Agosto ay isinagawa batay sa Saligang Batas ng Hong Kong at mga mungkahi at kuru-kuro ng mga taga-Hong Kong mula sa iba't ibang sektor.

Ayon sa nasabing desisyon, sa taong 2016, mabubuo ang Konsehong Lehislatibo sa Hong Kong para isagawa ang universal suffrage sa 2017.

Inilunsad kamakailan ng mga taga-Hong Kong ang Occupy Central bilang protesta sa nasabing desisyon.

Para sa kumpletong teksto ng nasabing desisyon, pakitsek ang link na: http://news.xinhuanet.com/english/china/2014-08/31/c_133609238.htm

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>