Sa kanyang talumpati sa Public Forum 2014 ng World Trade Organization(WTO) na idinaos sa Geneva, binigyan-diin ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang kahalagahan ng kalakalang pandaigdig sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad.
Tumatagal nang 3 araw ang nasabing forum na may temang "Why trade matters to everyone". Mahigit 700 kinatawan mula sa organisasyong pampamahalaan at di-pampamahalaan, organisasyong pandaigidg, sirkulong komersyal, mass media at iba pang larangan ang dumalo sa porum.
Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Ban na mahalaga ang papel ng kalakalang pandaigdig sa pagpawi ng kahirapan, paggarantiya ng kaligtasan ng pagkain, pagpapasulong ng kabuhayan at iba pang aspekto. Pero, hindi lubos na nakikinabang mula sa kalakalang pandaigdig ang maraming pinaka-di-maunlad na bansa at umuunlad na bansa. "Dapat ilakip natin ang Aprika, pinaka-di-maunlad na bansa at mga umuunlad na bansa sa sistemang pangkabuhayan ng buong daigdig sa pamamagitan ng pagbubukas ng pantay-pantay na kalakalan", dagdag pa ni Ban.
Sinabi pa ni Ban na para lubos na patingkarin ang potensiyal ng kalakalan, dapat mapawi ang proteksyonismong pangkalakalan at kinakatigan ng UN ang lahat ng pagsisikap ng WTO para matapos ang Doha Round ng talastasan. Kailangan ng kasalukuyang daigdig ang isang bukas, pantay-pantay na pandaigdigang sistemang pangkalakalan na gawing base ng regulasyon at itinuturing patnubay ng kaunlaran, kaya, dapat alisin ang problemang dinulot ng subsidy at taripa at lutasin ang trade barrier sa loob ng iba't ibang economy.