|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagpatay ng Islamic State (IS) sa isang British hostage na si Alan Henning, ipinalabas kagabi ni Punong Ministro David Cameron ng Britaniya ang isang pahayag bilang mahigpit na pagkondena sa naturang insidente.
Si Alan Henning ay ikalawang Britanikong histage na pinatay ng IS. Siya ay isang taxi driver na dinukot ng IS noong nagdaang Disyembre habang ihinahatid niya ang mga relief supplies sa Syria.
Sa isa namang pahayag na ipinalabas kagabi ng White House, sinabi nito na mahigpit na kinondena ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pagpatay ng IS kay Alan Henning. Ipinahayag din niya na magsisikap ang Amerika kasama ng mga kalyadong bansa para mabigyang-parusa ang mga may kagagawan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |