|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng pamahalaan ng Myanmar ang amnesty sa 3073 bihag na kinabibilangan ng isang salaring pulitikal at 58 dayuhan.
Sa susunod na buwan, itataguyod ng Myanmar ang ASEAN Summit. Bukod sa mga lider ng mga bansang ASEAN, lalahok din sa summit si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.
Sa official website ng Ministri ng Impormasyon ng Myanmar, sinabi kahapon ng pamahalaan na alang-alang sa "kapayapaan, katatagan, at pangangasiwa batay sa batas" at humanitarianismo, ipinasiya ni Pangulong Thein Sein na palayain ang naturang mga bihag. Pero hindi isinapubliko ng pamahalaan ang kanilang identidad.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |