|
||||||||
|
||
Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy
MATAPOS ang halos isang linggong pananahimik ng Bulkang Mayon, nagkaroon na naman ng tatlong volcanic earthquakes at dalawang pagguho ng mga bato sa nakalipas na 24 na oras na nagwakas kaninang ikawalo ng umaga.
Sa isang press briefing sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na pinamunuan ni Gobernador Jose Sarte Salceda, sinabi ni Dr. Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Albay, na umabot ang ibinugang sulfur dioxide noong Linggo ay umabot sa 148 tonelada bawat araw.
Patuloy na nakikita ang pamamaga ng paanan ng bulkan mula noong Agosto ng taong ito hanggang ngayong Oktubre. Nananatiling malaki ang bulkan kung ihahambing sa dating sukat nito.
Gumalagaw ang putik o magma pataas mula sa ilalim ng bulkan. Malaki pa rin ang posibilidad na sumabog ito sa loob ng ilang linggo.
Sinabi pa ni Dr. Laguerta na kung noong mga nakalipas na dekada ay umasa lamang sila sa mga seismograph upang suriin ang kalagayan ng bulkan at sa pamamagitan ng laser upang mabatid kung mayroong paglaki ng bulkan, ngayon aymayroon nang geodetic component ang kanilang mga pagsusuri. Mayroon na umanong geophysics at geochemistry.
Sa katunayan ay nagpadala ng apat na geodetic experts, dalawang geochemists at isang geophysics experts ang kanilang tanggapan sa Manila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |