Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sangay ng ICBC sa Myanmar, aprobado

(GMT+08:00) 2014-10-10 11:12:23       CRI

Ayon sa pinakahuling impormasyon mula sa Industrial and Commercial Bank of China Limited o ICBC, aprobado na ng Bangko Sentral ng Myanmar ang pagtatayo ng sangay nito sa Myanmar. Dahil dito, ang ICBC ang unang bangkong Tsino na pinayagang magsaoperasyon sa Myanmar. Ipinahayag ng nasabing bangko na ibayo pang kukumpletuhin ng aksyong ito ang network ng serbisyong pandaigdig ng ICBC sa rehiyon ng ASEAN. Ito ay patuloy ding magpapalakas sa kakayahan ng ICBC sa transnasyonal na serbisyong pinansyal.

Sinabi kahapon ng isang namamahalang tauhan ng ICBC na pinahahalagahan ng kanyang bangko ang pagpapalawak ng pamilihan ng Timog-silangang Asya. Sa kasalukuyan, may 8 organo ang ICBC sa 10 bansang ASEAN. Nagtayo na rin ito ng mga organo sa lahat ng mga rehiyon sa Mekong River.

Dagdag pa niya, sa susunod na hakbang, aktibong makikisangkot ang ICBC sa mga larangang gaya ng bilateral at multilateral na kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, at industriya ng pagyari. Maglilingkod din aniya sa Myanmar ang ICBC sa mga industriya, bahay-kalakal at proyektong may bentahe ang Tsina at kinakatigan ng pamahalaan ng Myanmar.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>