Nanawagan kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa mga nagsasagupaang panig ng Libya na agarang itigil ang putukan at lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo.
Dumating kahapon si Ban sa Tripoli, kabisera ng Libya, para makipagtagpo sa mga kinatawan ng mga nagsasagupaang panig ng bansa. Dumalo rin sa pagtatagpo ang mga diplomata ng mga bansang Europeo.
Sinabi ni Ban na matinding tinututulan ng komunidad ng daigdig ang kasalukuyang madugong aksyon sa Libya. Dagdag pa niya, dapat walang pasubali at agarang itigil ang putukan.