Ipinahayag kahapon ni Rachman Hakim, Tagapangulo ng Chinese Indonesian Association, na ang aktibidad ng "occupy central" ay nakasira ng imahe ng HK, at nagdulot ng malaking pagbabawas sa bilang ng mga turista doon.
Ipinahayag ni Rachman Hakim na dahil sa "occupy central", nabawasan din ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Indonesiya at HK. Aniya pa, dapat lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo, para maiwasan ang negatibong epekto sa kabuhayan ng HK.
Salin:Sarah