Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mungkahi hinggil sa kooperasyon ng Asya at Europa, iniharap ng Premyer Tsino

(GMT+08:00) 2014-10-17 14:57:33       CRI

Dumalo kahapon ng hapon sa Milan, Italya, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-10 Summit ng Asia-Europe Meeting (ASEM).

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa ng Asya at Europa, na buuin ang ideya hinggil sa komunidad ng Asya at Europa, pasulungin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng dalawang kontinente, at itatag ang kanilang bagong komprehensibong partnership, na nakatuon sa kapayapaan at kaunlaran.

Iminungkahi rin ni Li na dapat palakasin ng Asya at Europa ang kooperasyon sa tatlong aspekto, na kinabibilangan ng una, pangangalaga sa kapayapaan, katiwasayan, at kaunlaran; ikalawa, pagpapalakas ng connectivity at liberalisasyon sa kalakalan at pamumuhunan; at ikatlo, pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura.

Dumalo ang mga lider ng 53 bansa ng Asya at Europa sa kasalukuyang summit ng ASEM na may temang "Responsible Partnership for Sustainable Growth and Security."

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>