Nagtalumpati kahapon si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN para sa International Day for the Eradication of Poverty. Hinimok niya ang komunidad ng daigdig na isagawa ang tiyak na aksyon ng pagpawi ng kahirapan, upang itatag para sa lahat ng tao ang kinabukasang may sustenableng pag-unlad, kapayapaan, kasaganaan, at katarungan.
Sinabi rin ni Ban na nabawasan na nang kalahati ang mahihirap na populasyon sa buong daigdig. Pero aniya, umiiral pa rin ang bilyon- bilyong mahihirap sa mga umuunlad na bansa, at sila ay pokus ng gawain ng pagbabawas ng kahirapan sa susunod na yugto.