Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yang Jiechi at John Kerry, nag-usap

(GMT+08:00) 2014-10-19 13:04:10       CRI

Nag-usap kahapon sa Boston, Estados Unidos, sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa pag-unlad ng bagong istilo ng relasyon ng Tsina at Amerika, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Kaugnay ng bagong istilo ng relasyon ng dalawang panig, kapuwa ipinahayag nina Yang at Kerry na nakahandang magkasamang magsikap ang dalawang bansa para isakatuparan ang target na ito.

Sinabi ni Yang na dapat isagawa ng dalawang bansa ang mga aktuwal na aksyon para palalimin ang estratehikong pag-uugnayan at pagtitiwalaan ng dalawang panig, pahigpitin ang mga kooperasyon, at maayos na hawakan ang mga hidwaan.

Sinabi ni Kerry na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang pag-uugnayan, at pagtutulungan sa iba't ibang larangan.

Kaugnay ng pagdalo ni Pangulong Barack Obama sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na idaraos sa Nobyembre sa Beijing at pagdalaw sa Tsina, sinabi ni Yang na dapat pahigpitin ng Tsina at Amerika ang kooperasyon sa Asya-Pasipiko para pasulungin ang katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.

Sinabi ni Kerry, na sa kanyang pagdalaw sa Tsina, umaasa si Pangulong Obama na matatalakay nila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang hinggil sa pagpapahigpit ng mga kooperasyon ng dalawang bansa.

Tinalakay din nina Yang at Kerry ang mga isyung gaya ng kalakalan ng dalawang bansa, relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa, pagharap sa pagbabago ng klima, paglaban sa Ebola virus, paglaban sa terorismo at mga isyung nuklear ng Iran at Korean Peninsula.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>