|
||||||||
|
||
BEIJING, Xinhua—Kapuna-punang ang pangangasiwa sa bansa ayon sa batas ay nagiging pinakapangunahing paksa ng kasalukuyang Ika-apat na Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ayon sa mga dalubhasa, ito ang unang pagkakataon na ang pangangasiwa sa bansa ayon sa batas ay nagsisilbing paksa ng isang sesyong plenaryo ng CPC.
Sa isang panayam sa Xinhua bago idinaos ang sesyon, sinabi ni Dr. Mei Gechlik, Direktor ng China Guiding Cases Project sa Stanford Law School, na ipinangako ng mga lider Tsino na matatamo ang isang serye ng pakay sa taong 2020. Kabilang dito ay ang pagsasarili at katarungan sa mga hukuman, at pagpapasulong ng pagiging mas transparent ng sistemang hudisyal. Aniya, ang nasabing dalawang pakay ay mababasa sa Decision on Major Issues Concerning Comprehensively Deepening Reforms na pinagtibay noong Disyembre, 2013.
Ipinalalagay ni Dr. Gechlik na ang nasabing dalawang pakay at kasalukuyang idinaraos na Sesyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga lider Tsino sa pangangasiwa ayon sa batas, bilang isang di-maipagkakailang paraan para matamo ng Tsina ang paglago ng kabuhayan, malinis na pamahalaan, katarungang panlipunan at magandang kapaligiran.
Ipinahayag naman ni David Fouquet, Direktor ng European Institute for Asian Studies, ang kanyang pag-asa at optimismo na maisasakatuparan ng mga lider Tsino ang mga pakay ng kasalukuyang Sesyon at nabanggit na dokumento. Ipinalalagay niyang mahaba pa ang landas para maging mas kapaki-pakinabang para sa mga mamamayang Tsino ang kabuhayan, lipunan at sistemang pulitikal ng Tsina.
Sa isang nakasulat na panayam sa Xinhua, sinabi ni Mahmoud Allam, dating Embahador ng Ehipto sa Tsina na sa ilalim ng kondisyong maunlad na kabuhayan, kailangan ng Tsina ang isang maunlad na sistemang pambatas para pangasiwaan ang ugnayang komersyal at parusahan ang mga kasalanang may kinalaman sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan. Idinagdag pa niyang ang idinaraos na Sesyon ay isang positibong hakbang para maitatag ng Tsina ang nasabing sistemang pambatas.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |