Nanumpa sa kanyang tungkulin ngayong araw si Joko Widodo bilang ika-7 Pangulo ng Indonesya, kahalili ni Susilo Bambang Yudhoyono.
Dumalo sa nasabing panunumpa sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos (E.U.), Najib Razak, Punong Ministro(PM) ng Malayasya; Lee Hsien Loong, PM ng Singapore; Xanana Gusmao, PM ng East Timor; Peter Oneil, PM ng Papua New Guinea; at mga lider, ministro at sugo na galing sa iba't ibang bansa.
Sa ngalan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumalo naman sa inaugural meeting si Yan Junqi, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC).