Kaugnay ng isyu ng pagbatikos ng kinauukulang organisasyong pulitikal sa di-angkop na paggasta, pormal na iniharap ngayong araw ni Yuko Obuchi, Ministro ng Kabuhayan at Industriya ng Hapon, ang kanyang resignasyon kay Punong Ministro Shinzo Abe. Siya ang unang miyembro ng ika-2 gabinete ni Abe na nagbitiw sa tungkulin.
Ang 40 taong gulang na si Yuko Obuchi ay anak na babae ni dating Punong Ministro Keizo Obuchi. Bilang ministro ng kabuhayan at industriya na namumuno sa pag-unlad ng kabuhayan ng Hapon, napatingkad niya ang mahalagang papel sa gabinete ni Abe. Ayon sa pinakahuling sarbey sa opinyong publiko na ipinalabas ng Kyodo News Agency, sa kasalukuyan, 48.1% ang support rate ng gabinete ni Abe. Ito ay bumaba ng 6.8% kumpara noong Setyembre.
Salin: Vera