|
||||||||
|
||
KUNG makakapasa ang panukalang batas na House Bill 4994 at Senate Bill 2408 na kilala sa pangalang Bangsamoro Bill, ang mabubuong Bangsamoro Police ay mapapasailalim ng Philippine National Police.
Ito ang sinabi ni Professor Miriam Coronel Ferrer, Napapaloob sa panukalang batas, ang magiging Bangsamoro government ang may responsiblidad sa kaayusan at katahimikan sa pook na kanilang masasaklaw. Ang chief minister ng Bangsamoro government ang siyang may operational control at supervision sa kanilang regional police force.
Binigyang-diin ni Professor Coronel-Ferrer na mayroong "shared power" ang Bangsamoro sa central government sapagkat sa ilalim ng Saligang Batas, ang Bangsamoro Police force ay mapapasailalim ng PNP chief at ang administrative control at supervision ay na sa ilalim naman ng National Police Commission. Mananatiling saklaw ng PNP ang recruitment, pagsasanay at promosyon ng mga tauhan kasabay na ang pagbili ng mga sandata at iba pang mga gawain.
Ang Bangsamoro Police ay pamumunuan ng isang Police Director (Major General) at may dalawang kasamang Chief Superintendents (Brigadiers General). Isa sa mga deputy ang matatalaga sa Central Mindanao samantalang ang isa ay maipadadala sa isa sa mga pulong lalawigan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |