Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippine Red Cross Chair Dick Gordon, nanawagan sa dumukot sa asawa ni Camarines Norte Governor Tallado

(GMT+08:00) 2014-10-20 20:13:48       CRI

NANAWAGAN si Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon sa mga taong dumukot kay Josie Tallado, Red Cross chair ng Camarines Norte.

Ayon sa dating senador, si Tallado ay abala sa mga ginagawa ng Red Cross tulad ng pagtulong sa mga nahihirapan.

Ayon sa initial reports, si Gng. Tallado at ang kanyang kasamang kinilala sa pangalang Darlene Francisco ay hindi na nakita mula noong Biyernes ng hapon sakay ng kanilang Toyota Fortuner.

Idinagdag pa ni G. Gordon na sandigan ng Red Cross sa Camarines Norte si Gng. Tallado. Nakikipagtulungan siya sa National Headquarters at maraming nagawa para sa mga mahihirap. Umaasa ang dating senador na madali at ligtas na makababalik ang maybahay ng gobernador ng Camarines Norte.

Nanawagan din siya sa mga autoridad na gawin ang lahat upang hanapin at maibalik kaagad ang nawawalang maybahay sa kanyang pamilya.

Wala pang ibang impormasyong natatanggap ang Philippine National Police Regional Office No. 5 sa pangyayari.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>