Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Apat na saksi sa pagpaslang sa isang transgender, nakaalis na

(GMT+08:00) 2014-10-20 20:15:20       CRI

KUMPIRMADO ng Department of Foreign Affairs na nakaalis na ng bansa ang apat na pinaniniwalaang saksi ng walang paalam sa kanilang tanggapan.

Sa isang text message, sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na walang abiso mula sa Estados Unidos na ang apat na saksi ay nakaalis na ng Pilipinas.

Hindi naman sila kailangang magpaalam. Ayon sa taga-usig, nakatugon na sila sa legal requirements at tiniyak na ng Estados Unidos na handa silang dalhin ang mga saksi sa hukuman sa paglilitis. Kasama ng apat na kawal si Private First Class Joseph Scott Pemberton na akusado ng pagpaslang sa isang transgender sa Olongapo City noong kamakalawang Sabado.

Nabanggit umano ng tagapagsalita ng Estados Unidos sa Pilipinas na si Kurt Hoyer na wala na ang apat sa bansa.

Sa regular press briefing, sinabi ni Asst. Sec. Jose na wala namang legal na basehan ang pagpapanatili sa apat sa bansa sapagkat hindi naman sila ang akusado sa usapin.

Nakapagbigay na sila ng kanilang sinumpaang salaysay sa tagausig kaya't hindi na sila kailangan sa preliminary investigation.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>