|
||||||||
|
||
Si Zhang Gaoli
Binuksan ngayong araw sa Beijing ang Ika-21 Pulong ng mga Ministrong Pinansyal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina.
Ayon kay Zhang, mahalaga ang mga isyung tatalakayin sa kasalukuyang pulong na gaya ng makro-ekonomiya ng Asya-Pasipiko at daigdig, kooperasyon sa pagbibigay-pondo sa konstruksyon ng imprastruktura, reporma sa pinansyo at pagpapabuwis, at pagpapaunlad ng real economy.
Ipinahayag din ni Zhang na bilang isang bansa sa Asya-Pasipiko, isasagawa ng Tsina ang mas proaktibong estratehiya ng pagbubukas sa labas, para magdulot ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa rehiyong ito at daigdig. Anya pa, umaasa ang Tsina na ibayo pang pasusulungin ng APEC ang kooperasyon at koordinasyon ng iba't ibang kasapi nito, para mapalawak ang pagbubukas at mapaunlad pa ang kabuhayan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |