Nag-usap kahapon sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine hinggil sa kalagayan sa gawing timog-silangan ng Ukraine at pagsuplay ng natural gas mula Rusya patungo sa Ukraine.
Sa isang pahayag na ipinalabas ng Kremlin, binigyang-diin ng dalawang lider ang kahalagahang tupdin ng mga may-kinauukulang panig ang kasunduang tigil-putukan sa gawing timog-silangan ng Ukraine. Ipinahayag ni Putin na nagbibigay-tulong lamang ang Rusya sa nagsagupaang panig sa Ukraine, sa halip na makialam sa sagupaan.
Anito pa, nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa pagtutulungan sa larangan ng natural gas.
Samantala, isang preliminary agreement ang narating kagabi sa Brussels, Belgium sa pagitan ng Unyong Europeo, Rusya at Ukraine hinggil sa presyo ng natural gas na ibibigay ng Rusya sa Ukraine. Sisimulan ang naturang plano bago ang katapusan ng susunod na Marso.