Ayon sa pahayagang "Philippine Daily Inquirer," isiniwalat kamakailan ni Rosalia De Leon, Puno ng National Treasury Department ng Kagawaran ng Pinansiya ng Pilipinas, na sa susunod na taon, pinaplano ng kanyang pamahalaan na hiramin ang 750 milyong dolyares mula sa ibayong dagat, at isinasaalang-alang ang pagsasakatuparan nito sa pamamagitan ng pagfloat ng overseas bonds. Ngunit hindi pa naitakda ang kongkretong timetable.
Bukod dito, kasalukuyang pinapalakas ng Pamahalaang Pilipino ang pag-aakit ng mga mamumuhunan sa loob ng bansa. Noong unang dako ng buwang ito, ini-isyu nito ang 20 bilyong Peso (halos 450 milyong dolyares) na national debt.
Salin: Li Feng