Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China Mining Congress and Exposition, idinaos sa Tianjin

(GMT+08:00) 2014-10-23 16:47:42       CRI

Ang ika-16 na China Mining Congress and Exposition ay idinaos sa Tianjin ng Tsina mula ika-20 hanggang ika-23 ng buwang ito.

Dumalo sa pulong na ito ang mahigit 7,000 opisyal, dalubhasa at mangangalakal mula sa mahigit 50 bansa at rehiyon ng buong daigdig.

Ang isang pangunahing paksa na tinalakay ng mga kalahok ay ang pagharap sa epekto ng embargo ng Indonesia sa pagluluwas ng mga ore.

Noong ika-12 ng Enero ng taong ito, opisyal na isinagawa ng Indonesia ang batas ng pagbabawal sa pagluluwas ng mga ore para mas mabisang pangalagaan ang likas na kapaligiran at pasulungin ang pag-unlad ng mga domestikong industriya ng produktong mina.

Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga kalahok na malaki pa rin ang nakatagong lakas ng pamilihan ng mina sa Indonesia at ibang mga bansa sa Timog-silangan ng Asya.

Ang Indonesia ay isa sa mga mahalagang bansa sa buong daigdig na nagluluwas ng mga yaman ng mina. Ang bolyum ng pagluluwas ng bansang ito sa nickel ore ay katumbas ng halos 20% ng kabuuang bolyum sa buong daigdig. Ang bolyum ng pagluluwas ng Bauxite ay katumbas ng 10% sa kabuuang bolyum ng buong daigdig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>