|
||||||||
|
||
Ipinatalastas ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, dadalaw sa Biyetnam si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa ika-27 ng kasalukuyang buwan. Ani Hua, magkasamang pangunguluhan ng dalawang lider ang Ika-7 Pulong ng Komisyong Pampatnubay sa Bilateral na Kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |