Sinabi ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na nakikialam ang mga kanluraning bansa na gaya ng Amerika sa mga suliraning panloob ng ibang mga bansa, at ito ay malubhang nakapinsala sa katatagan ng kalagayang pandaigdig.
Ayon sa isang interview na inilabas kahapon sa website ng Ministring Panlabas ng Rusya, ikinalulungkot ni Lavrov ang mga unilateral na aksyon ng naturang mga kanluraning bansa sa pakikialam sa suliraning panloob ng mga bansa na gaya ng Iraq, Libya at Syria.
Sinabi ni Lavrov na sa isang dako, kinakaharap ng komunidad ng daigdig ang dumaraming hamon na gaya ng terorismo, droga, transnasyonal na krimen, pagbabago ng klima, at kakulangan sa pagkaing-butil, sa kabilang dako naman, ang tanging paraan sa paglutas ng naturang mga hamon ay sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig at pagsunod sa mga pandaigdigang batas.