|
||||||||
|
||
LUMABAS sa ginawang survey ng Social Weather Stations sa nakalipas na ikatlong kwarter ng 2014 ang nagsabing may 12.1 milyong pamilya ang nakaranas ng kahirapan.
Ayon sa survey, may 55% ng mga tumugon ang nagsabing nakadama sila ng kahirapan ngayong 2014 at mas mataas ng 3 puntos sa 52% sa buong 2013. Tumaas din ang self-rated poverty sa Metro Manila at Luzon.
Tinaya din ng SWS na 9.3 pamilya ang naniniwalang sila'y mahihirap at naghihikahos sa pagkain ay mas mababa sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon kaysa ibang mga pook.
Ginawa ang survey mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre sa 1, 200 respondents ay mayroong sampling error na plus-minus 3% para sa national at plus/minus at 6% sa mga lalawigan.
Ang self-rated poverty ay mas mataas ng anim na puntos sa Metro Manila at umabot sa 43% mula sa 37% noong nakalipas na Hunyo at mas mataas ng 7% sa nalalabing bahagi ng Luzon .
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |