|
||||||||
|
||
Sa Beijing — Idinaos kahapon ang Ika-4 na Pulong ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Biyetnam hinggil sa Pakikibaka laban sa Krimen. Dumalo sa pulong sina Guo Shengkun, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, at Tran Dai Quang, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Guo ang pag-asang aktibong sasamantalahin ng dalawang ministri ang mekanismo ng naturang pulong para ibayo pang payamanin ang nilalaman ng kanilang kooperasyon at mapataas ang lebel ng kooperasyon. Ito aniya ay naglalayong makapagbigay ng bagong ambag para sa pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Tran Dai Quang ang kahandaang ibayo pang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng pagbibigay-dagok sa krimen at pangangalaga sa panlipunang seguridad.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |