Ipinahayag ngayong araw ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na umaasa siyang matatamo ang tatlong breakthrough sa pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation na idaraos sa Beijing sa susunod na buwan.
Ang naturang mga breakthrough ay kinabibilangan ng mga sumusunod: una, pagsisimula ng talastasan ng malayang sonang pangkalakalan ng rehiyong Asya-Pasipiko, ikalawa, paghanap ng bagong puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayan ng rehiyong ito sa hinaharap, at ikatlo, pagtakda ng roadmap ng komprehensibong pag-uugnayan.