Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalusugan ng mga biktima ni "Yolanda" prayoridad pa rin

(GMT+08:00) 2014-10-30 18:47:49       CRI

SINABI ni Dr. Julie Lynn Hall, country representative ng World Health Organization na kahit umuuwi na sa kanilang mga bansa ang mga manggagamot at narses na naglingkod sa binagyong bahagi ng Pilipinas at bumababa na ang mga donasyon mula sa ibang bansa, lumalakas naman ang paggasta ng pamahalaan ng Pilipinas upang maayos ang mga napinsalang bahagi ng Central Philippines.

Sa isang media briefing, sinabi ni Dr. Hall na nakadalo ang mga manggagamot na Filipino at banyaga sa may 200,000 konsultasyon at pag-oopera sa may 5,000 katao. Nakapagbakuna rin sila ng may 300,000 mga aso.

Ikinagalak ni Dr. Hall na ibalitang walang anumang disease outbreak na naganap sa binagyong pook mula noong nakalipas na Nobyembre. Isa umanong magandang pangyayari ang karanasan nila.

Isang malaking hamon sa kanila ang pagkapinsala ng mga pagamutan at kawalan ng kuryente para sa mga bakunang nasa refrigerator. Matapos ang anim na linggo, umabot sa 600,000 ang kanilang nabakunahan. Problema ang kawalan ng pag-iimbakan ng mga bakuna. Mabuti na lamang at nagkaroon ng follow-up na pagbabakuna sa buong bansa ang Kagawaran ng Kalusugan.

Ibinalita rin niya ang pagsilang ng may 180,000 mga sanggol mula ng tumama ang bagyong"Yolanda."

Tiniyak ni Dr. Hall na magkakaroon ng mas matitibay na mga gusali sa mga pagamutan sapagkat ayon sa disenyo ng Pilipinas, ang mga pagamutan ang nararapat maging command centers sa pagsapit ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad.

Nakaipon umano ang World Health Organization ng US$ 17 milyon mula sa mga bansang Australia, Canada, Japan, Kuwait, Monaco, Norway, Korea, Russia, United Kingdom, Danish government at maging ang Central Emergency Fund ng United Nations, Japanese Kindergarten Association at Global Alert Network at mga non-government organizations.

Nababahala sila sa pagtatayang mayroong 800,000 kataong binagyo ang mayroong pagkabalisa at pagluluksa na mangangailangan ng mga magpoproseso. Sa bilang na ito, may 80,000 ang mangangailangan ng anti-depressants at anti-schizophrenic medicines.

Marami pa umanong mga taong nagluluksa at 'di pa nakakabawi sa kanilang karanasang sinapit.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>