Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, Hapon pinag-uusapan ang hinggil sa pagpapanumbalik ng mekanismo ng ugnayang pandagat

(GMT+08:00) 2014-10-31 09:59:53       CRI

BEIJING, Xinhua – Pinapasulong ngayon ng mga departamentong pandepensa ng Tsina at Hapon ang pagsasanggunian ng mga dalubhasa para mapanumbalik ang mekanismo ng ugnayang pandagat ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina sa buwanang regular na preskon na kailangang magsagawa ang Hapon ng konkretong aksyon para makalikha ng magandang kondisyon para sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones. Sinabi pa ni Yang na noong nagdaang Setyembre lamang, muli na namang sinimulan ng Tsina at Hapon ang konsultasyong pandagat sa mataas na antas.

Sa isang pulong nitong nagdaang Setyembre, sa Qingdao, siyudad ng lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, tinalakay ng mga opisyal ng Tsina at Hapon ang hinggil sa isyu ng East China Sea at pagtutulungang pandagat. Napagkasunduan din nila, sa prinsipyo, na panumbalikin ang ugnayang pandagat ng dalawang bansa.

Nang magkomento sa pagsasanay militar ng Hapon kasama ang Estados Unidos, Pilipinas at Rusya, ipinahayag ni Yang ang kanyang pag-asang makakatulong ang nasabing mga kooperasyong militar ng Hapon at iba pang mga bansa sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, sa halip ng baligtad na resulta.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>